Mga Pahina

Martes, Oktubre 9, 2012



  1. Bibliography


Sa araling ito,para sakin ay kay hirap intindihin ng araling ito.Nakakalito ang ganitong pagtukoy kung ito ba ay aklat,magasin o pahayagan.Nang kami ay magkaroon ng isang pagsusulit ukol ditto,bahagyang nalito ako sa pag-ayos ng ginulong bibliography.Kaya naman nakakuha din ako ng hindi kataasang marka.inaamin kong hindi nagging madali para sakin na intindihin ang ganitong aralin sapagkat bukod sa isasaulo mo ang bawat ayos nito,dapat ding malaman ang mga tamang bantas nito.Sa kinatagalan din naman natutuhan ko din ito.


Huwebes, Oktubre 4, 2012



Saan patungo ang langay langayan

Ang akdang ito ang lubos na nagpapaisip sa akin kung ano talaga ang tunay na nilalaman nito.Noong una,hindi ko maintindihan ang mga pahayag na nakasaad sa akdang ito lalo na ang pamagat nito. Ngunit nang aming na itong natalakay, akdang ito pala ay tumutukoy sa taong walang laya.Ang layang ito ay masasabi kong pang-aalipin sa ating sarili. Maging ako rin ay inaamin kong hindi pa ring lubusang Malaya sapagkat alipin pa rin ako ng aking damdamin na nagnanais kumawala.Ganun paman,nakakatuwa na ahndang umalalay sa atin ang ating diyos sa ating buhay.ang araling ito ang nagpa-usig sa akin na makamit ang kalayaang iyon


Kahapon,Ngayon at Bukas

Ang akdang kahapon,ngayon at bukas ang nagpapalawak sa aking kaisipan kung ano ba talaga ang nilalaman nito.Nang amin na itong talakayin, ito’y tungkol pala ito sa kaganapan ng ating bansa.Gumamit lang silan ng mga kakaibang pangalan kung saan nagbibigay ito ng mga pahiwatig. Nakakainis lang na ang sarili nating kalahi ang mismong tumutulong upang tayo ay masakop ng mga banyaga.Tulad ni Asal Hayop na sinasabi ang lahat ng plano ni inag bayan kay haring bata upang tayoy masakop.nasisiyahan akong mabasa na hindi nawalan ng pag-asa si Inang bayan at nagpatuloy ang pagtatanggol sa ating bayan.Nakakadismaya nga lang sapagkat hindi tapos itong kwento ngunit Masaya ako’t nalaman ko ang tunay na pangyayari sa ating bansa noon.

Sa Lupa Ng Sariling Bayan


Sa araling ito, nakakalungkot isipin na may mga taong may hinanakit sa kanilang sariling bayan.Katulad ni Layo na ayaw mag palibing sa bayan ng San Roque kung saan ang bayang kanyang kinalakhan.Marami sa ating nakamit angtagumpay sa pamamagitan ng sarili nating kakayahan sa tulong at pagsuporta sa atin ng ating mga magulang.Para sakin, bilib ako sa ipinakitang pagsusumikap ni Layo na mapagtapos niya ang kanyang sarili sa pamamagitan lamang ng kanyang  sariling mga kamay.Nakakalungkot nga lang na hindi pa rin niya maalis sa kanyang sarili ang hinanakit na kanyang naranasan sa bayan ng San Roque.Kahanga-hanga siya dahil sa kabila ng kanyang paghihirap,naabot pa rin niya ang kanyang mga pangarap.nakakalungot isipin na sa kanyang pagkawala di pa rin niya naaalis sa kanyang puso ang hinanakit na nagpapaalipin sa kanyang sarili.

Miyerkules, Oktubre 3, 2012


          Dekada 70
 (reaksyon)


Ang araling ito ay nangyari sa totoong buhay. Sa aralin na ito masasabi kong may mga kamilian ang bawat karakter ng akdang ito tulad ni julian. Dahil sa kanyang pagkukulang bilang ama ng kanyang mga anak, wala siyang kamalay-malay sa mga kaganapang nakakasangkutan ng kanyang mga anak. Ang akdang ito ay masasabi kong maiuugnay sa totoong kaganapan dito sa ating bansa. Maraming mga kabataan ngayon ang napapariwara sa kadahilanang walang pakialam ang kanilang mga magulang o kaya’y sila talaga ang tunay na dahilan. Nakakalungkot isipin na nasasangkot tayong mga kabataan sa ganitong problema sa pulitika. Ganun pa man,natutuwa akong mabasa ang akdang ito at malaman ang totoong kaganapan sa atong ito

Ang Guryon
(Reaksyon)


Sa araling ito,labis akong natutuwa na pwede palang iugnay ang isang bagay sa ating buhay tulad ng guryon.Ang buhay ng guryon ay marupok , malikot. Katulad din sa ating buhay tayo rin ay tumatanda.Ang araling ito ay masasabi kong lubusan kong naintindihan di lamang sa ito’y itinuro lamang kundi ipinaintindi ito sa amin ng lubusan. Para sakin,masasabi kong maihahalintulad ko ang buhay ko sa isang guryon.Dahil sa buhay natin tayo rin ay may mga suliranin na kinakaharap. Ito’y dapat natin harapin ng may pusong marangal nang tayoy magtagumpay. Masasabi kong hindi rin naging madali para sakin na maintindihan ito ng lubusan,ngunit naintindihan ko rin naman ito sa tulong ng aming guro.