Sa Lupa Ng Sariling Bayan
Sa araling ito, nakakalungkot
isipin na may mga taong may hinanakit sa kanilang sariling bayan.Katulad ni Layo
na ayaw mag palibing sa bayan ng San Roque kung saan ang bayang kanyang
kinalakhan.Marami sa ating nakamit angtagumpay sa pamamagitan ng sarili nating
kakayahan sa tulong at pagsuporta sa atin ng ating mga magulang.Para sakin,
bilib ako sa ipinakitang pagsusumikap ni Layo na mapagtapos niya ang kanyang
sarili sa pamamagitan lamang ng kanyang sariling mga kamay.Nakakalungkot nga lang na
hindi pa rin niya maalis sa kanyang sarili ang hinanakit na kanyang naranasan
sa bayan ng San Roque.Kahanga-hanga siya dahil sa kabila ng kanyang
paghihirap,naabot pa rin niya ang kanyang mga pangarap.nakakalungot isipin na
sa kanyang pagkawala di pa rin niya naaalis sa kanyang puso ang hinanakit na
nagpapaalipin sa kanyang sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento