Enero 14,2013
Nakakainis ang bungad sa masaya kong araw
na ito.Nakakainis dahil mababa lang ang nakuha kong marka sa asignaturang
Chemistry.Ang nakuha ko lamang marka ay 21,samantalang hanggang 60 ang aytems
nito.Pero natutuwa naman ako dahil mataas naman ang nakuha kong marka sa T.L.E
at Filipino.Nakakalungkot pa rin na may mababa akong nakuhang marka.Di ko naman
masisisi yung sarili ko kasi sadyang mahirap yung test eh.Ang pinaka mataas pa
na nakuha ay 32 lang.Mas lalo pa akong nalungkot nang sabihin ni Ma’am Cabrera
na marami ang bumama ang marka sa A.P.Masyado ko kasing di pinansin ang A.P
kaya siguro ako ang isa sa mga bababa ang marka.Titiyakin ko na hahabol at
babawi ako ngayong ikaapat na markahan.Di man masama sa mga bibigyan ng
parangal eh makapasa ay ok na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento