Enero 7, 2013
Ang
araw na ito ay nagsimula sa isang maingay at bulabog na umaga kasama ang aking
mga kaklase.Kahit na may guro na sa unahan ay walang humpay pa rin ang kanilang
pag-iingay.Dahil wala ang aming guro sa Filipino na si Ginang
Mixto,pansamantala munang pumalit si Ginoong Mixto upang magturo.Maya-maya may
pagtatalong nagaganap sa may bandang unahan,si Ginoong Mixto at si
Fillartos.Pinapagalitan pala ni Ginoong Mixto si Fillartos dahil siguro sa
kanyang pang-aasar.Napapadalas na rin kasi ang pang-aasar nila sa ginoo.May sinabi
pa nga an gaming guro sa kanya na “nakakawa kang patayin” at biglang
nagtawanana ang aking mga kaklase.Naaawa naman ako kay Fillartos dahil sa
sinabing iyon n gaming guro.Nagtataka nga ako kung bakit biglang nagkaganun si
Ginoong Mixto eh.Buti na nga lang at
ilang sandal na lang ay mag-uuwian na.Sabik na talaga akong umuwi dahil ang
araw na ito ay ang kaarawan ng aking tatay.Simple lang an gaming handa para sa
kanya pero masayang masaya siya.Naisip ko tuloy yung mga panahon na ginugugol
nya sa aming trabaho ay para lang sa kanya, yun pala ay hindi dahil ang lahat
ng iyon ay para rin sa amin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento