Enero 15,2013
Napaka saya ngayon ng araw na ‘to.Bukod kasi sa
mga kaibigan kong makukulit ay may chika sila tungkol sa mga “crush” nila.Ewan
ko ba sa kanila kung bakit may mga crush na sila sa ganitong edad
namin.Tinatanong ko nga kung anong pakiramdam nang may crush eh.Sabi naman nang
isa kong kaibigan eh para ka daw estatwa kapag nagkaroon ka ng crush.Kasi pag
nakikita mo daw siya eh di ka na makagalaw.Yung isa ko namang kaibigan eh
parang lahat ng kulay na nakikita mo eh kulay pink.Nakakaloka na eh,Tapos paepal
nanaman itong si Yulo kasi piling nya crush ko sya! Sus sa mukha naman nya.Di
naman kasi yung mga tulad nya yung tipo ng gusto ko eh.Hay balik na nga sa aral
aral.Ang saya ko!Ang taas ko kasi sa proyekto sa Filipino eh.Ang marka ko dun
ay 91%.Tlaga ngang may bunga ang lahat ng mga pinaghirapan kaya naging ganito
ang marka ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento