Enero 16, 2013
Araw ng Huwebes ngayon,Parang tinatamad
akong pumasok sa eskwelaan.Eh kasi naman ang lamig-lamig.Di naman umuulan pero
nakapaka lamig ng panahon.Pagdating ko naman sa eskwela,inumpisahan nanaman
akong inisin nitong mga loko kong kaklase.Ewan ko ba kung bakit parati nalang
nila akong inaasar.Oras na ng Filipino eh Trip talaga akong asarin nitong mga
kaklase ko.Lalo na ‘tong si Santos,Kung makapang-asar eh kalan mo “pogi”nakakainis.Ang
oras na ito ay tinalakay naming ang tungkol sa mga nanay.Tapos tinalakay din
naman naming ang tulang “Ang Pamana”.Naalala ko tuloy si mama.Yung mga hirap na
pinagdaanan niya para lang mabuhay kaming magkakapatid.Habang tinatalakay naming
ito ay napag-isip-isip ko na napakahalaga talaga ng aking mga magulang.Akala ko
nagagalit lang sila parati ng walang dahilan.Yun pala ay iniisip lang nila yung
aming kapakanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento