Mga Pahina

Miyerkules, Pebrero 27, 2013


Pebrero 24,2013
             Sabado nanaman!Nakakagulat naman oh.Parang kahapon lang ay ang  saya ko dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.Syempre dahil sabado eh alam na,Araw nanaman para maglaba.Medyo tinatamad nga ako maglaba eh.Ang dami kasi eh.Pinaghandaan kasi siguro ito ni mama.Kainis!Ang hirap talaga maglaba habang nakikipagtext sa mga kaibigan ko.OMG!nakakapagod talaga.Salamat at maaga akong natapos sa paglalaba.Pakiramdam ko tuloy eh mawawalan na ako ng hininga,hehe


Pebrero 23,2013 
          Hay naku!huling araw nanaman na walng pasok.Mamimis ko nanaman ang pang-aasar,pangungulit at pakikipagdaldalan ng mga mahal kong kaibigan.Oras ng mapeh ay maligalig na ang lahat.Biruin ko ba naman ay nag-eehersisyo kami tapos yung mga suot eh nakikitaan na sila.Tawa nga kami ng tawa sa mga nakikita naming.Kahit ang gulo eh ang saya naman.Parang ako na nga ang naging coach ng  mga kaklase ko eh.Kasi ako ang nakakabisado ng lahat ng ehersisyo.Habang tinuturuan ko sila eh lalong sumasaya dahil sa  mga kapalpakan nila.Kahit na nakakapagod ang raw na ito eh ok lang.Nagpakasasa naman ako eh.


Pebrero 22,2013
       Grabe talaga sila!di ba nila na nasasaktan din naman ako sa mga biro nila.Ang akala naman kasi nila na porket pala tawa ao eh hindi na ako marunong masaktan.Kung makapagsalita sila na ang pangit ko eh palagng nakakatawa eh.Kung sila kaya sabihan ko nyan.Grabe ka talaga Pastoral,hindi lahat ng pagbibiro mo eh kayan kong tawanan o ok lang.Lalo ka na Romantiko!Sana hindi ka nalang nabuhay sa mundong ito.Sana eh hindi na kita nakilala o nakita pa.Baka kung ano pa magawa ko kung ipagpapatuloy mo pa eh.Nakakainis kasi.

Lunes, Pebrero 25, 2013


Pebrero 21,2013
       Nakakainis naman oh!ang aga aga ay masama na ang gising ko.Parang mga baliw itong mga katabi ko.Pinagtitripan ko.Tawa ng tawa eh wala naming nakakatawa.Ang sarap ngang suntukin eh.Buti na lang at merong guro sa unahan kundi hindi na talaga ako makapagpigil.Oras ng Filipino at oras nanaman para mang-aburido itong si Santos.Palibhasa ay walang kumakausap kaya ako nalang yung pinagtitripan.Buti at hindi nakikita ni maam yung mga pananakit sa aking ni Santos kundi patay kaming dalawa.Siguro ay napakamalas ko ngayong araw na ito.Puro nalang kasi pang-iinis yung naranasan ko eh.Grabe!

Pebrero 20,2013
        Ang saya naming ngayong hapon ditto sa bahay.Naghaharutan kami kasama sila mama at papa.Grabe nga si papa eh.Hanep ang lambot ng katawan kahit mataba.Nakakatawa nga siya eh,Imbis na magalit tuloy si mama ay natatawa nalang siya sa sayaw ni papa.Dinagdagan pa ng makulit at bakla kong kapatid na si jan ang pagsayaw ng tatay ko.Doble ang saya at bigla nawala ang inis ni mama dahil sa dami nyang problema.Di ko na nga halos nagawa ang takdang-aralin ko sa ibang asignatura sa kakatawa ng pagpapatawa ng tatay at kapatid ko eh.Ang sakit na talaga ng tyan ko s kakatawa.Ito na yata yung isa sa masayang araw sa buhay ko eh.Ngayon lang kasi kami ulit nakipagkulitan kina mama at papa.Sana nga may pangalawa pang pagkakataon.

Biyernes, Pebrero 22, 2013


  Pebrero 19,2013
        Ngayon araw na ito,ang saya ko.Kasi nagkabati na kami ng kaibigan ko eh.Grabe!ang tagal ko siyang sinuyo na makipagbati at buti nalang at pumayag na siyang makipagbati.Dinagdagan pa ng mga panibago pang mga kaibigan.Nagtatag kasi ng samahan si Palcotelo kung saan ay nakikipag komunikasyon kami sa pamamagitan ng mensahe.Nakakatuwa at nakakaaliw nga eh!ang dami ko kaagad na nakilalang mga kaibigan.Nagkataon pa a kaarawan nga isa naming kagrupo.Palagay ko,ito na ang magiging simula ng tuluyan kong pagbabago.


Pebrero 18,2013
          Hay naku!ang aga aga ay tila nagkakaguulo nanaman sa klase kaya naaaburido nanaman tuloy si maam.Lagot!Hindi paa pala ako nakakapagputol ng kuko!Sana naman ay hindi manita si ma’amTayamora.Buti nalang at hindi siya nanita.Wala kasing nagsumbong eh.Ito nanamang mga lalaki ay nag-aasal hayop.Grabe!ang sakit sa tenga ng ingay.Itong si Romantico nanaman ay nag-aasar.Hindi na siya nahiya sa pangit niyang mukha.Buti nalang at hindi ako nagpaapekto sa emosyon na nararamdaman ko.Kasi muntik nanaman akong umiyak dahil sa mga pang-aasar niya sa akin.Salamat talaga sa mga mabubuti kong mga kaibigan at ipinagtatanggol nila ako.


Pebrero 17,2013
       Grabe!ang bilis ng araw at akalain ko yun na Linggo na pala.Si papa naman oh!wagas kung makapang-asar.Akala naman kasi niya gwapo siya,Hmm!hindi kasi niya nakikita sarili nya.Nakakasabi nanaman ang araw na ito kasi sabi ni tita na darating ngayong araw sila nanay,tatay at ang makukulit kung mga pinsan.Halos hindi na nga ako nakagawa ng mga takdang-aralin sa paghihintay ko sa kanila eh!Maya-maya,Pumunta ang kapatid ko sa amin at sinabing hindi pala sila matutuloy.Hay!pinaasa nanaman nila ako.Naiinis tuloy ako!Dahil sa kanila hindi tuloy ako nakagawa ng takdang-aralin.

Miyerkules, Pebrero 20, 2013


Pebrero 16,2013
     Sabado nanaman!Aalis nga pala si Mama dahil pupunta siya sa kapatid niya.Kaya ako nanaman pala ang mag-aalaga sa mga makukulit kung kapatid.Kaaalis pa lamang ni mama ay nagpasaway kaagad sila.Masyado nga akong nadedepres sa kanila eh. Grabe!Pakiramdam ko nga ay sasabog yung dibdib jo sa sobrang galit ko ng mahulog yung cellphone ko.Halos paluhurin ko nga sila sa asin eh.Kung wala siguro akong puso ay ginawa ko na yon.Ayoko talaga ng araw na ‘to.Pakiramdam ko eh pumapangit ako eh.

Pebrero 15,2013
            Di ko pa rin makalimutan yung nangyari sa amin kahapon.Ang saya kasi eh!Tanghali pa rin ako nagising.Nakaka inip pala ng nasa bahay lang.Nakakalungkot nga eh kasi matagal pa mag Lunes Hay!Maglalaba na nga lang ako para may magawa.Grabe! nakakapagod maglaba lalo na pag puti.Pagatapos maglaba ay naglampaso naghugas ng pinggan at nagluto ako.Sa dami ng trabaho ko ay nakalimutan ko gawin yung aking takdang-aralin.Masasabi ko lang,nakakapagod ang araw ko.

Pebrero 14,2013
     Ito na talaga ang pinaka hihintay ko, ang Valentine’s Day.Grabe!ang aga kung nagising dahil excited ako sa lakad namin.Magdadate kasi kami ng mga kaibigan ko sa blue mountain kaya masaya ako.Alas dyes pa nga lang ay naligo na ako.Pagsapit ng alas-onse ay nagtungo na ako kila Mercy.Inayos pa nga niya ang buhok ko eh.Bumili na rin kami ng makakain at inumin.Ang tagal nga ni Melanie eh,pero dumating naman siya kaagad.Sa Blue Mountain ay sinalubong kami kaagad ng isang malakas na hangin na halos tangayin na kami.Maya-maya ay nakakita kami ng bisekleta.Nahihiya pa nga kami manghiram eh pero kinapalan na naming yung mukha naming.Buti nga at nagoahiram eh.Hay! ang saya talaga ng araw na ‘to.Sana ay meron pang pangalawang pagkakataon. 

Pebrero 13, 2013
        Ngayon na ang huling pasok naming.Dahil may pagsusulit ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon bukas at sa biyernes.Naisip naming gawin ngayon ang Valentine’s Day.Ang aga aga nga at mukhang aburido nanaman si maam.Nagpagawa kasi siya ng activity eh.Maya-maya ay may mga nagperform sa unahan upang maghingi ng tawad sa kanilang kaibigan na si Mary joy Bartolay.Ilang saglit pa ay ibinigay na namin ang aming regalo kay maam.Hindi nga daw niya akalain na bibigyan naming siya ng regalo.Abot tenga nga yung ngiti ni maam eh.Maya-maya pa y may mga nagconfess ng kanilang damdamin.Sila ay si Crisol,Capon at Casamayor.Nanghingi nga sila ng tawad sa lahat ng kaingayan at kaguluhan na kanilang ginagawa.Kahit bukas pa ang Valentine’s ay ibinigay ko na ang mga ginawa kung kard na merong mga tsokolate sa aking mga kaibigan.Ang saya talaga ng araw na ‘to.Palagay ko,ito na yata ang naging masaya  sa aking buong linggo.
    

Biyernes, Pebrero 15, 2013


Pebrero 12, 2013
            Ang lamig!ramdam na ramdam ko talaga ang lamig na papalapit na papalapit na araw nga mga puso.Pagdating ko sa paaralan ay nag-iisip na ang mga kakalakihan ng reglo para sa kanilang mga minamahal.Itong mga kaibigan ko naman ay pinipilit akong regaluhan sila.Sabi ko naman ay hindi ko maipapangako pero kunwari lang iyon kasi balak ko naman talagang regaluhan sila eh.Pagdating ko sa bahay ay bumuli na ako nga mga makukulay na papel pero mas marami ang pula.Gumagawa ako ng kard para sa kanila.Bumili rin ako ng mga tsokolate para idikit dun sa kard na gagawin ko.Simple lang naman yung ginawa ko kasi nakakapagod gumawa ng kard.Maghahating gabi na nga akong natapos eh.Iniisip ko kung matatanggap ba mila yung ginawa ko.Ah Ewan! Basta bahala na bukas.

Pebrero 11, 2013
        Araw nanaman  ng pasok at tila masaya ang aking umaga.Medyo umuulan nga lang.Kahit bumagyo pa ay papasok pa rina ako dahil gusto ko talaga na makasama ang aking mga kaibigan.Malapit na nga kasi ang araw ng mga puso at sabik akong marinig ang kanilang mga kwento.Maaga akong nakarating sa aming silid-aralan at nakita ko si Melanie.Pinag-uusapan nga naming yung buhay pag-ibig nya kasama ang kanyang mga pamilya.Naiinis nga yun eh,kasi hindi tuloy yung Js Prom.Sayang daw kasi hindi niya mararanasan ang ganong klaseng Prom sa buong buhay nya.Sumasang-ayon nga ako sa kanya eh.Oras ng T.L.E at walang humpay ang daldalan naming ni Melanie.Nakakauwa nga yun ehHay!isang masayang araw nanaman ang nayari sa buhay k.

Pebrero 10, 2013
      Linggon ngayong at bukas ay Lunes na.Sabik na talaga ako na Makita muli yung mga makukulit kong mga kaibigan at mga kaklase.Nakakaasar talaga ‘tong si papa.Ang aga-aga ay nang-aasar nanaman.Akala mo kung sinong kagwapuhan hindi naman.Nagalit nga si mama kasi patuloy na inaasar ni papa si mama eh.Maya maya ang dumating yung kapatid ko at sinabing dadating daw sila nnay,tatay, at mga pinsan naming.Pupunta sila ditto dahil hindi sila nakapunta noong kakarawan ni mama dahil may paso.Ang saya ko nga eh kasi alam kong hindi ako maiinip kaoag kasama ko sila.Hapon na at hindi pa rin sila dumadating.Naiinis na nga ako kasi sobrang tagal nila.Dumating nanaman yung kapatid ko at sabi ay hindi na yata sila makakarating dahil nasiraan sila.Nakakainis mang sabihin pero ok lang kasi alam ko naman na hindi ring nila ginusto ang nangyari.

Pebrero 9, 2013
                     Sabado nanaman at syempre ay wala nanamang pasok.Sayang nanaman ang araw na hindi makakasama yung mga makukulit kung mga kaibigan at mga kaklase.Kakatamad talaga na manatili lang sa bahay lalo na pag wala kang kasama tapos magbabantay pa ng tindahan.Wala naman akong magawa kahit manood ng telebisyon kasi wala naming anime na pinapalabas eh.Buti nalang at merong mga laruan ng mga kapatid ko.Ngayon tuloy nagging bata ulit ako.Ang saya pa rin talaga kapag bata.Naalala ko tuloy yung mga ginanawa ko noong bata ako.Pagdating ni mama kasama ng mga pinsan ko ay pinagtawanan ako kasi daw dahil sa naglalaro ako ng pambata eh dalaga na ako.Nakakainis nga eh.Pero kahit na atleast nakalaro ako.

Linggo, Pebrero 10, 2013


 Pebrero 8.2013
      Natutuwa ako ngayon dahil kaatawan ng aking pinakakamahal na mama.Pinagmamalaki kong inihahayag na 37 na taon na ang aking mama.Hiling ko lang na magkaroon siya ng malakas na pangangatawan at matalinong isipan.Si mama kasi matalino iyon kahit wala siyang pinag-aralan lalo na kung pera ang pag-uusapan.Lumaki lang si mama sa isang mahirap na pamilya na minsan at isa o dalawang beses lamang kumain sa isang araw.Sobrang hirap talaga ng kanilang buhay lalo na ng mamatay ang kanilang ina.Sa tuwing kinikwento nga niya yung mga bagay na nangyari sa kanyang buhay ay ginagawa kong inspirasyon upang maging matatag at masipag sa aking pag-aaral.Sana sa pagdating ng panahon ay mabigyan ko ng magandang buhay ang aking mga magulang.


Pebrero 7,2013
             Kaarawan nga pala ngayon ng kaaway kong si Pastoral.Sana ay mabasa niya yung Kard na ginawa ko kung saan ay binuhos ko na halos lahat ng hinanakit ko na galling sa mga panlalait niya.Sana nga ay magtanda na siya sa mga pinagagagawa niya sa mga taong akala niya ay parati nalamang nakakatawa.Oras na ng Mapeh at alam ko na Masaya naman ito dahil pangkatan.Buti nalang at palagi kaming pangalawa sa aming pangkatan at nakakuha nanaman kami ng 90%.Sa pangkatan lang naman talaga ako nagiging Masaya dahil ditto ay Malaya akong nakikipag-usap sa aking mga ka-miyembro di tulad pag isahan,ang daming kakumpetensya at minsan ay nauuwi pa sa awayan.Sa paksa naming sa Filipina na Bangkang Papel ay may paghahalintulad sa kwento ng aking kaibigan.Nakakalungkot nga eh dahil wala na siya sa mundong ito.Sana ay maligaya siya doon sa itaas at patuloy pa rina kong ginagabayan b� g i a �� (�� anuong kataga ay nasasaktan ako.Tama na nga ang drama.Pero sana matupad nga iyon.

Pebrero 6,2013
           Ngayong umaga,halos wala pang tao nang dumating ako sa aming silid-  aralan.Nakakainip nga eh,Wala akong ganang makipag-usap kasi alam ko na sasabihin nanaman nila na ang daldal ko talaga.Minsan nga naisip ko yung palagi nilang sinasabi sa akin na sobrang daldal ko,malakas ang trip,di masayang kasama at higit sa lahat ay walang kwenta.Kahit ganon yung mga sinasabi nila saaki akala nila ay natutuwa ako sa mga lagi nilang sinasabi sa akin.Di lang nila alam na minsan ay nasa isang sulok lag ako ng aming kwarto at nag-iisip kong ano ang aking magiging reaksyong sa tuwing sinasabi nila iyon sa akin.Alam ko na kakaunti lamang yung mga tao na nakakaintindi at umiintindi sa akin pero sana maisip nila na sa bawat sambit nila ng mga ganuong kataga ay nasasaktan ako.Tama na nga ang drama.Pero sana matupad nga iyon.

Pebrero,5 2013
    Nakakapanibago ngayon,Kasi tuwing pumapasok ako sa silid aralan ay palagi akong nakikipagdaldalan samantalang ngayon ay hindi.Ewan ko ba kung may bago sa araw na ito o sadyang dinadamdam ko lang na wala talaga kaming JS Prom.Sayang,kasi elementary palang ako ay ito na yung hinihintay ko sa buong buhay ko eh.Nakakaingit nga yung mga estudyante na pinag-uusapan yung isusuot nila sa araw na iyon.Panira naman itong si ma’am oh,magdadasal kaaga eh kadarating ko lang.Oras nanaman ng T.L.E at walang pinagbago,Kadaldalan ko palagi sa Oras na ito Si Melanie,Hay!ang Bihay naman oh! Bakit kasi wala pang JS Prom?Nalulungkot tuloy ako.

Martes, Pebrero 5, 2013


Pebrero 4,2013
    Linggo ngayon,Araw nanaman para magpasalamat sa ating dyos na nagbigay ng buhay at pag-asa .Mag-isa lang ako ngayon na nagsimba kasi wala si mama dahil may mahalaga siyang inasikaso.Pagdating sa simbahan ay dyos ko po!Parang plaza lang sa dami ng tao.May mga kumakain,nagdadaldalan, at higit sa lahat ay may mga hawak kamay talaga.Pakiramdam ko lalo lang dumarami yung kasalanan ko kaya umuwi nalang ako.Pagdating ko sa bahay,Nagkakagulo na ang lahat.Ewan ko ba kung bakit?Nakakainos ng walang ginagawa ka nanood nalang ako ng t.v.Sakto sa pagbukas ko ay bumungad agad yung paborito kung palabas sa channel 2 ang Luv u.Nakakatawa talaga yung tambalan si Whitney at Rocky.Nakakainggit nga eh,buti pa sa palabas na iyon ay may JS Prom samantalang kami wala.Sana naman ay mamulat na ang mga mata n gaming principal at payagan bna kami na magkaroon ng JS Prom.

Lunes, Pebrero 4, 2013



Pebrero 3,2013
        Ngayon tanghali na ako nagising,Kasi naman nakipaglaro pa itong mga kapatid ko sa akin kasama sila mama at papa.Ang saya nga eh,Si mama yung kunwari multo at kinikiliti naman sya ni papa.Tawa nga kami ng tawa eh.Sa pagmulat ng mga mata ko,si papa agad ang una kong nakita.Inasar nga nya ako kaagad eh,kakainis talaga.Tanghalian na at tila wala pa yatang balak magluto ang tatay ko.Siya kasi ang nagluluto kapag araw ng Linggo at siya rin ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay.Wow!kahit sardinas lang yung ulam namain ay nakapasarap talaga.Sabay-sabay kasi kami kumain eh.Kahit pa walang ulam kung sama-sama kumain ay tiyak na mabubusog ang buong pamilya.

Pebrero 2,2013
       Wala nanamang pasok,Sabado kasi eh!Eto nanaman pala ang tema,dahil Sabado,Araw nga naman ito ng paglalaba ko.Ang aga-aga ay daldal ng daldal ang tatay ko at nagpaparinig na sabado ngayon.Nakakainis nga eh.Buti nalang at may pinuntahan si mama kaya nakapanood ako ng T.V.Patay,Magtatanghali na at hindi pa ako nakakapag-umpisa,Dali-dali kong inipon yung mga labahan at naglaba.Partida ang ginawa ko dahil nagkuskos lang ako.Ang hirap nga maglaba ng pantaloon eh,Kasi naman ang dudumi ng mga pantaloon lalo na sa tatay ko.Ewan ko ba kung bakit parati nalang madumi yung kanyang pantaloon eh!Pagkatapos maglaba ay diretso sa kusina upang magluto at maghugas ng pinggan.Naiinis pa ako dito sa mga kapatid ko,wala na nga silang ginagawa at nag-aaway pa.Salamat at wala pa rin si mama sa bahay.Nakakapagod talaga!Biruin mo nagawa ko yun.Pero ayos lang,Ehersisyo din naman ‘to eh.

Linggo, Pebrero 3, 2013


Pebrero 1,2013
       Eto nanaman pala at papalapit nanaman ang araw ng mga puso.Umagang-umaga nga ay nag-uusap usap nanaman ang mga kababaihan sa kapaligiran.Biyernes nga pala ngayong, Patay! Lagot nanaman ako nito kay Bb.Tayamora dahil hindi pa ako nagugupit ng kuko.Hindi nga ako nagkamali sa akala ko dahil nakalista nanaman ako sa isa sa mga mahahba ang kuko.Ngayon ay medyo masakit pa rin ang ngipin ko at tinitiis ko pa ang sakit.Uwian nanaman at tila sabik sa uwian itong mga kaklase ko.Doon nga pala ako nagbihis sa bahay nila Rabino at syempre nakikain din ako doon.Ang sarap nga ng ulam Eh,Yung paborito ko pang ginataang langka ang kanilangt ulam.Ayan at busog ang tyan ko.ang tagal nanaman nitong mga kasamahan ko.Magbibihis lang ay inabot na siguro ng ilang taon.Gusto nila sa Blue Mountain magpraktis kaya naman ay pinagbigyan ko ang mga ito.Katulad pa rin ng dati ay halos wala pa rin kaming nagagawa, puro saya lang.Pero iba nga lang ito kasi sa wakas ay kahit papano ay nakagawa kami ng isang scene.Sabi nila ay napapagod na sila kaya itutuloy nanaman naming ito bukas.Syempre uwian nanaman.Nakakapagod talaga ang araw na ito

Enero 31,2013
   Ang ingay talaga! Umagang –umaga na salubong ng mga kaklse ko.ayan tuloy,galit nanaman si Bb.Eclar dahil sa amin at sinumpong nanaman.Hay! ewan ko ba kung bakit sa araw-araw na ibinigay sa amin ng dyos ay ganito pa rin ang nangyayari.Pero kahit nag alit si ma’am, hindi ko iyon iniintindi dahil ang mas iniintindi ko ngayon ay ang sakit nitong ngipin ko.Halos magbebreaktime at at tila wala pa akong ganang kumain dahil sa sobrang sakit nitong ngipin ko.Nakakahiya nga nung oras na ngFilipino dahil sa sobrang sakit ay hindi ko na napigilan umiyak.Nagkagulo tuloy ang lahat sa akin at itinatanong kung ano ang nangyari sa akin.Nakita pa nga ako ni ma’am Mixto at itinanong din kung ano ang nangyari sa akin.Sinabi ko nalang tuloy na masyadong masakit ang ngipin ko.Ayan tuloy,Dahil sa sakit kong ito ay wala kaming praktis sa Filipino.Nakakainis at nakakahiya tuloy ang araw na ito.