Enero 31,2013
Ang ingay talaga! Umagang –umaga na salubong
ng mga kaklse ko.ayan tuloy,galit nanaman si Bb.Eclar dahil sa amin at
sinumpong nanaman.Hay! ewan ko ba kung bakit sa araw-araw na ibinigay sa amin
ng dyos ay ganito pa rin ang nangyayari.Pero kahit nag alit si ma’am, hindi ko
iyon iniintindi dahil ang mas iniintindi ko ngayon ay ang sakit nitong ngipin
ko.Halos magbebreaktime at at tila wala pa akong ganang kumain dahil sa sobrang
sakit nitong ngipin ko.Nakakahiya nga nung oras na ngFilipino dahil sa sobrang
sakit ay hindi ko na napigilan umiyak.Nagkagulo tuloy ang lahat sa akin at
itinatanong kung ano ang nangyari sa akin.Nakita pa nga ako ni ma’am Mixto at
itinanong din kung ano ang nangyari sa akin.Sinabi ko nalang tuloy na masyadong
masakit ang ngipin ko.Ayan tuloy,Dahil sa sakit kong ito ay wala kaming praktis
sa Filipino.Nakakainis at nakakahiya tuloy ang araw na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento