Pebrero 8.2013
Natutuwa ako ngayon dahil kaatawan ng aking
pinakakamahal na mama.Pinagmamalaki kong inihahayag na 37 na taon na ang aking
mama.Hiling ko lang na magkaroon siya ng malakas na pangangatawan at matalinong
isipan.Si mama kasi matalino iyon kahit wala siyang pinag-aralan lalo na kung
pera ang pag-uusapan.Lumaki lang si mama sa isang mahirap na pamilya na minsan
at isa o dalawang beses lamang kumain sa isang araw.Sobrang hirap talaga ng
kanilang buhay lalo na ng mamatay ang kanilang ina.Sa tuwing kinikwento nga
niya yung mga bagay na nangyari sa kanyang buhay ay ginagawa kong inspirasyon
upang maging matatag at masipag sa aking pag-aaral.Sana sa pagdating ng panahon
ay mabigyan ko ng magandang buhay ang aking mga magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento