Pebrero 2,2013
Wala nanamang pasok,Sabado kasi eh!Eto
nanaman pala ang tema,dahil Sabado,Araw nga naman ito ng paglalaba ko.Ang
aga-aga ay daldal ng daldal ang tatay ko at nagpaparinig na sabado
ngayon.Nakakainis nga eh.Buti nalang at may pinuntahan si mama kaya nakapanood
ako ng T.V.Patay,Magtatanghali na at hindi pa ako nakakapag-umpisa,Dali-dali
kong inipon yung mga labahan at naglaba.Partida ang ginawa ko dahil nagkuskos
lang ako.Ang hirap nga maglaba ng pantaloon eh,Kasi naman ang dudumi ng mga pantaloon
lalo na sa tatay ko.Ewan ko ba kung bakit parati nalang madumi yung kanyang pantaloon
eh!Pagkatapos maglaba ay diretso sa kusina upang magluto at maghugas ng
pinggan.Naiinis pa ako dito sa mga kapatid ko,wala na nga silang ginagawa at
nag-aaway pa.Salamat at wala pa rin si mama sa bahay.Nakakapagod talaga!Biruin
mo nagawa ko yun.Pero ayos lang,Ehersisyo din naman ‘to eh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento