Pebrero 13, 2013
Ngayon na ang
huling pasok naming.Dahil may pagsusulit ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon
bukas at sa biyernes.Naisip naming gawin ngayon ang Valentine’s Day.Ang aga aga
nga at mukhang aburido nanaman si maam.Nagpagawa kasi siya ng activity
eh.Maya-maya ay may mga nagperform sa unahan upang maghingi ng tawad sa
kanilang kaibigan na si Mary joy Bartolay.Ilang saglit pa ay ibinigay na namin ang
aming regalo kay maam.Hindi nga daw niya akalain na bibigyan naming siya ng
regalo.Abot tenga nga yung ngiti ni maam eh.Maya-maya pa y may mga nagconfess
ng kanilang damdamin.Sila ay si Crisol,Capon at Casamayor.Nanghingi nga sila ng
tawad sa lahat ng kaingayan at kaguluhan na kanilang ginagawa.Kahit bukas pa
ang Valentine’s ay ibinigay ko na ang mga ginawa kung kard na merong mga
tsokolate sa aking mga kaibigan.Ang saya talaga ng araw na ‘to.Palagay ko,ito
na yata ang naging masaya sa aking buong
linggo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento