Pebrero 12, 2013
Ang lamig!ramdam na ramdam ko talaga ang lamig
na papalapit na papalapit na araw nga mga puso.Pagdating ko sa paaralan ay
nag-iisip na ang mga kakalakihan ng reglo para sa kanilang mga minamahal.Itong
mga kaibigan ko naman ay pinipilit akong regaluhan sila.Sabi ko naman ay hindi
ko maipapangako pero kunwari lang iyon kasi balak ko naman talagang regaluhan
sila eh.Pagdating ko sa bahay ay bumuli na ako nga mga makukulay na papel pero
mas marami ang pula.Gumagawa ako ng kard para sa kanila.Bumili rin ako ng mga
tsokolate para idikit dun sa kard na gagawin ko.Simple lang naman yung ginawa
ko kasi nakakapagod gumawa ng kard.Maghahating gabi na nga akong natapos
eh.Iniisip ko kung matatanggap ba mila yung ginawa ko.Ah Ewan! Basta bahala na
bukas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento