Pebrero 6,2013
Ngayong umaga,halos wala pang tao nang dumating
ako sa aming silid- aralan.Nakakainip nga eh,Wala akong ganang makipag-usap kasi
alam ko na sasabihin nanaman nila na ang daldal ko talaga.Minsan nga naisip ko
yung palagi nilang sinasabi sa akin na sobrang daldal ko,malakas ang trip,di
masayang kasama at higit sa lahat ay walang kwenta.Kahit ganon yung mga
sinasabi nila saaki akala nila ay natutuwa ako sa mga lagi nilang sinasabi sa
akin.Di lang nila alam na minsan ay nasa isang sulok lag ako ng aming kwarto at
nag-iisip kong ano ang aking magiging reaksyong sa tuwing sinasabi nila iyon sa
akin.Alam ko na kakaunti lamang yung mga tao na nakakaintindi at umiintindi sa
akin pero sana maisip nila na sa bawat sambit nila ng mga ganuong kataga ay
nasasaktan ako.Tama na nga ang drama.Pero sana matupad nga iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento