Mga Pahina

Biyernes, Marso 15, 2013


Marso 14,2013
    Grabe talaga!Di ko inaasahan talaga ito.Naghaharlem shake kami sa loob ng paaralan naming.Hataw nga ako kung sumayaw eh.Syempre,minsan lang ito dib a?Ang saya nga naming eh.Kahit yung hindi ko naman gaanong close eh nakisabay na lang ako.Pati nga si maam Eclar eh inaaya naming kaso ayaw niya.Ito siguro yung araw na hindi ko talaga malilimutan.

Marso 13,2013
     Nakakainis naman oh!Nananahimik ako sa kinauupuan ko tapos aasarin nanaman ako ng mga ungas na ito!Talagang hindi na sila nagbago!Nalalabi na nga lang yung mga araw na magkakasama kami tapos ginaganyan pa ako ng mga ito.Kung pwede nga lang na alisin yung mga mapanglait na tao at dalhin sa ibang planeta eh sana wala nang taon naaapi.Kainis talaga.

Marso 12,2013
     Isang masayang umaga para sa araw ng Martes.Kadaldalan ko nanaman ang aking mga kaibigan.Nakakalungkot lang na nalalabi na lamang ang mga araw na magkakasama kami.Kahit na minsan ay palagi kaming nag-aaway ay namimis ko yun.Hiling ko lang! sana ay magkakaklase pa kami para lagi akong may inspirasyon!Sana ay mangyari yun.

Marso 11,2013
     Isang magulong Lunes nanaman.Malapit na kasi magtapos ang klase kaya nilubos-lubos na talaga ang mga araw na magkakasama kami eh.Pati nga ako ay nakikisama kasi aminin ko man o hindi ay mamimis ko talaga ang mga araw na nakasama ko ang mga taong naging bahagi na rin ng buhay ko.Kahit na naging mga kaaway ko man sila eh nakatulog sila upanh m apalawig ko pa ang aking kakayahan.Sana nga ay makapasa kaming lahat eh.

Marso 10,2013
    Isang magandang Linggo para sa akin.Sa wakas at makakadalaw nanaman ako sa tahanan ng diyos.Ipagdadasal ko ang mga pabago-bagong ugali ng aking mga kamag-aral.Ipagdadasal ko din na sana ay lahat kami ay makapasa.Hindi kasi ako yung klase ng tao na makasarili.Sana nga pakinggan lahat ni bossing yung mga ipinagdadasal ko sa kanya eh.

Marso 9,2013
      Sa wakas at walang pasok.Medyo makakalayo na din ako sa mapang-aping lipunan sa paaralan.Masakit man isipin ngunit mayroon talagang mapamintas na tao katulad ng mga kaklase ko.Nakaligtas nga ako sa mga mapang-lipunan eh hindi ko ata matatakasan ang aking mga labahan.Nakakapagod talaga ang araw na ito.

Marso 8,2012
     Nakakainis naman oh!Ang aga-aga at ako nanaman yata ang trip ng mga ‘to.Ano kaya ang pwedeng gawin ko para tigilan lang ako sa pang-aasar ng mga ungas na ito.Minsan nga ay gusto kong umiyak sa harapan nila para lang malaman nila kung ano ang nararamdaman ko.Kung alam lang talaga nila.

Lunes, Marso 11, 2013


 Marso 7,2013
      Hwebes na pala!kitam!ang bilis nga naman ng araw.Akalain ko ba naman na Huwebes na.Sa halos mag-iisang taon na kaming magkakasama ng mga kaibigan ko eh mamimis ko talaga ang mga araw na nakasama ko sila sa buhay ko.Nagdadrama pa ako eh hindi naman ako artista.Pero kahit na!di naman masamang mangarap eh.Mamimis ko talaga yung mga tagpo kung saan may tawanan,daldalan,kaingayang,iyakan at higit sa lahat eh tampuhan.Sana nga hindi rin nila ako makalimutan.


Marso 6,2013
      Nakakapagod talaga!ang hirap sakin eh pinagsasabay-sabay ko yung mga gawai sa ibat-ibang asignatura tapos magrereklamo ako pag napapagod ako.Nakakatuwa lang na kahit mareklamo akong tao eh hindi ko pa rin inaasa sa iba ang mga responsibilidad ko katulad ng paggawa ng mga proyekto sa ibat-ibang asignatura.Nagagalit kasi si mama kapag pinagwawalang bahala ko lang ang aking pag-aarala.Mahalaga kasi para sa kanya ang edukasyon.Hindi kasi siya nakapag-aral dahil sa plagi silang binubugbog ng kanilang ama.Kaya nga palagi kong pinag bubutihan ang aking pag-aaral, kasi alam ko na kahit ganoon lamang si mama ay proud sya saakin.

Marso 5,2013
         Kakaiba ‘to.Hindi ko malaman kung ganito ba talaga ang panahon o sadyanbg pinagtagpo lang kami ng kaaway ko sa iisang tricycle nasasakyan namin.Ang saklap nga eh,Magkatabi pa talaga kami mismo! Di naman ako pwedeng magreklamo kasi pasahero lang naman ako.Sobrang pressure nga yung naramdaman ko eh.Buti nalang at agad kaming nakaratig sa paroroonan,kahit na lumipas pa ang panahon eh wala talaga siyang balak na humingi ng tawad.Masasabi ko lang na hindi ko talaga ito inaasahan.

Marso 4,2013
    Bakit kaya may mga tao na mahilig talagang mang-asar?Dahil bas a gusto lang nilang magpaawa o dahil sa mahina lang yung kinakalaban nila?Ganyan kasi yung lagi kung nararanasa sa tuwing papasok ako ng eskwelahan.Umagang-umaga asar na doon,dito at kung saan-saan pa.Para sa akin naman eh nakakatawa pero manhid ba talag sila?Kasi di nila alam na may damdamin din ako na nasasaktan ako.Sana nga eh makarma na yung mga dakilang mapanglait lalo na sila Sarsagat,Romantiko Santos at iba pa.Di ko na sasabihin kasi alam naman na nang lahat eh.Si Bathala na talaga ang bahalang magparusa sa kanila.

Huwebes, Marso 7, 2013


Marso 3,2013
      Ewan ko ba kung bakit naiinis nanaman ako.Alam ko naman yung tama at mali sa mga ginigawa ko pero bakit sa konting nagagawa kong pagkakamali ay palagi na lamang nila binabatikos.Mas pinipaniwalaan pa nila yung sinasabi ng iba kesa sa sinasabi ko.Pakiramdam ko nga eh palagi na lamang akong mali sa mga pinagagagawa ko.Naisip ko tuloy kung meron bang halaga sa kanila yung damdamin ko na hindi ka lamang maipahayag sa kanila dahil sasambitin nanaman nila na nangangatwiran ako.Sana nga ay magising sila sa katotohanan.


Marso 2, 2013
     Araw nanaman ng paglalaba ngayon.Kahit ng medyo inaantok pa ako ay pinilit ko ang aking sarili na magising dahil alam ko na kapag tanghali nanaman ako nagising ay magagalit nanaman si mama.Nakakainis isipin at tignan na napakarami ko nanamang lalabhan.Napapagod na nga ako na maglaba ng dikulay,isasama pa yung mga puti.Ito naman si mama wala nang ibang ginawa kundi maglakbay kung saan-saan.Minsan naisip ko tuloy n asana ay hindi na lang ako ang nagging panganay.Dahil sa tuwing nagkakasala ang aking mga kapatid ay sa akin isinisisi ang lahat.Pero ganunpaman,eh hindi ko na mababago pa ang aking kapalaran na ibinigay sa aking ng diyos.

Sabado, Marso 2, 2013

marso 1,2013
      Ang bilis talaga ng araw!Akalain ko ban a Biyenes na pala!Nayon din pala naming ipapakita ang tamang pag-eehersisyo.Napaka malas ko ngayong umaga.Biruin ko ba naman na maiiwan ko yung bote ko sa bahay eh nasa sakayan na ako.Tuloy,bumalik na lang ako.Muntik pa nga akong mahuli sa klase eh.Si Ma’am Eclar naman eh nag-eemot sa amin kung bakit daw kami ganito.Oras na nga ng Mapeh eh tila yata minamalas ako.Kasi naman yung mga kagrupo k o eh wala namang alam.Buti nalang at uwian na yung ng Makita naming si Palcotelo at Rendahe na nagyakapan.Grabe talaga sila,sweet nga kaso din a sila haiya nasa paaralan pa naman din.Kinikailabutan tuloy ako.

Pebrero 28,2013
        Ano ba ‘to?Panay nanaman ang tanong nga kaklase kung kalian ang pasahan ng takdang-aralin naming sa asignaturang Ingles.Palibhasa kasi ako lang ang palaging nakikinig kaya kung makapagtanong eh ganon na lang.Gawain nanaman naming sa Filipino.Nakakaasar talaga itong si Santos.Hindi ko lang nabgyan ng papel eh nagalit na.Nanumbat pa sa isang pirasong binigay niyang papel noong nakaraang buwan.Hindi kasi niya binibilang yung mga naibigay ko sa kanya samantalang ang damot damot niya.Akalan niya maganda yung ginagawa niya.Sana naman eh mag-isip_isip sya.Nakakainis talaga ang araw na ‘to


Pebrero 27,2013
        Papalapit nanaman pala ang summer!ilang araw na lang eh Marso na,Pakiramdam ko eh bukas na yon eh.May lahong lungkot at saya ang mabilis na bakasyon.Masaya kasi wala nang pasok,malungkot kasi d ko na makikita yung mga kaibigan ko.Nagpaplano na nga kami kung ano yung gagawin naming bago magbakasyon.Plano naming na manonood kami sa sine at maggagala para ma-enloy naming yung ilang araw na nalalabi.Sana nga sa $th year naming ay magkaklase pa rin kami para masaya

Pebrero 26,2013
         May pasok na nga pala! Nakakainis naman oh!Pag may pasok tanghali na ako nagigising,pag wala naman eh an gaga.Baliktad na talaga.Buti na nga lang at hindi ako nahuli sa klase eh.ang aga-aga eh ang dadaldal na nitong mga kaklase ko.Paeel nanaman itong si Santos,porket walang kausap eh makapang sar sakin wagas.Feeling gwapo hindi naman.Tulad nga ng aking inaasahn eh wala nanamang takdang aralin ang mga akibigan ko kaya pinikopya ko nalang,Nakakaawa kasi eh.Kahit na hindi masyadong Masaya ang araw na ito eh okey lang.Kasi walang sermon ni mama eh.

Pebrero 25,2013
       Hay!oo nga pala!walang pasok ngayon.Nag-effort pa naman ako na magising ng maaga.Grabe naman oh!ako nanaman ang maiiwan sa bahay mag-isa.Nakakaboring pala sa bahaya lalo na pag walang kasama.Naalala ko!may takdang aralin pala kami.Buti nalang at may magagawa na rin ako.Ang dali naman pala kaya ang daling natapos.Ito na ata ang pinaka boring na nangyari sa buhay ko.

Miyerkules, Pebrero 27, 2013


Pebrero 24,2013
             Sabado nanaman!Nakakagulat naman oh.Parang kahapon lang ay ang  saya ko dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.Syempre dahil sabado eh alam na,Araw nanaman para maglaba.Medyo tinatamad nga ako maglaba eh.Ang dami kasi eh.Pinaghandaan kasi siguro ito ni mama.Kainis!Ang hirap talaga maglaba habang nakikipagtext sa mga kaibigan ko.OMG!nakakapagod talaga.Salamat at maaga akong natapos sa paglalaba.Pakiramdam ko tuloy eh mawawalan na ako ng hininga,hehe


Pebrero 23,2013 
          Hay naku!huling araw nanaman na walng pasok.Mamimis ko nanaman ang pang-aasar,pangungulit at pakikipagdaldalan ng mga mahal kong kaibigan.Oras ng mapeh ay maligalig na ang lahat.Biruin ko ba naman ay nag-eehersisyo kami tapos yung mga suot eh nakikitaan na sila.Tawa nga kami ng tawa sa mga nakikita naming.Kahit ang gulo eh ang saya naman.Parang ako na nga ang naging coach ng  mga kaklase ko eh.Kasi ako ang nakakabisado ng lahat ng ehersisyo.Habang tinuturuan ko sila eh lalong sumasaya dahil sa  mga kapalpakan nila.Kahit na nakakapagod ang raw na ito eh ok lang.Nagpakasasa naman ako eh.


Pebrero 22,2013
       Grabe talaga sila!di ba nila na nasasaktan din naman ako sa mga biro nila.Ang akala naman kasi nila na porket pala tawa ao eh hindi na ako marunong masaktan.Kung makapagsalita sila na ang pangit ko eh palagng nakakatawa eh.Kung sila kaya sabihan ko nyan.Grabe ka talaga Pastoral,hindi lahat ng pagbibiro mo eh kayan kong tawanan o ok lang.Lalo ka na Romantiko!Sana hindi ka nalang nabuhay sa mundong ito.Sana eh hindi na kita nakilala o nakita pa.Baka kung ano pa magawa ko kung ipagpapatuloy mo pa eh.Nakakainis kasi.

Lunes, Pebrero 25, 2013


Pebrero 21,2013
       Nakakainis naman oh!ang aga aga ay masama na ang gising ko.Parang mga baliw itong mga katabi ko.Pinagtitripan ko.Tawa ng tawa eh wala naming nakakatawa.Ang sarap ngang suntukin eh.Buti na lang at merong guro sa unahan kundi hindi na talaga ako makapagpigil.Oras ng Filipino at oras nanaman para mang-aburido itong si Santos.Palibhasa ay walang kumakausap kaya ako nalang yung pinagtitripan.Buti at hindi nakikita ni maam yung mga pananakit sa aking ni Santos kundi patay kaming dalawa.Siguro ay napakamalas ko ngayong araw na ito.Puro nalang kasi pang-iinis yung naranasan ko eh.Grabe!

Pebrero 20,2013
        Ang saya naming ngayong hapon ditto sa bahay.Naghaharutan kami kasama sila mama at papa.Grabe nga si papa eh.Hanep ang lambot ng katawan kahit mataba.Nakakatawa nga siya eh,Imbis na magalit tuloy si mama ay natatawa nalang siya sa sayaw ni papa.Dinagdagan pa ng makulit at bakla kong kapatid na si jan ang pagsayaw ng tatay ko.Doble ang saya at bigla nawala ang inis ni mama dahil sa dami nyang problema.Di ko na nga halos nagawa ang takdang-aralin ko sa ibang asignatura sa kakatawa ng pagpapatawa ng tatay at kapatid ko eh.Ang sakit na talaga ng tyan ko s kakatawa.Ito na yata yung isa sa masayang araw sa buhay ko eh.Ngayon lang kasi kami ulit nakipagkulitan kina mama at papa.Sana nga may pangalawa pang pagkakataon.

Biyernes, Pebrero 22, 2013


  Pebrero 19,2013
        Ngayon araw na ito,ang saya ko.Kasi nagkabati na kami ng kaibigan ko eh.Grabe!ang tagal ko siyang sinuyo na makipagbati at buti nalang at pumayag na siyang makipagbati.Dinagdagan pa ng mga panibago pang mga kaibigan.Nagtatag kasi ng samahan si Palcotelo kung saan ay nakikipag komunikasyon kami sa pamamagitan ng mensahe.Nakakatuwa at nakakaaliw nga eh!ang dami ko kaagad na nakilalang mga kaibigan.Nagkataon pa a kaarawan nga isa naming kagrupo.Palagay ko,ito na ang magiging simula ng tuluyan kong pagbabago.


Pebrero 18,2013
          Hay naku!ang aga aga ay tila nagkakaguulo nanaman sa klase kaya naaaburido nanaman tuloy si maam.Lagot!Hindi paa pala ako nakakapagputol ng kuko!Sana naman ay hindi manita si ma’amTayamora.Buti nalang at hindi siya nanita.Wala kasing nagsumbong eh.Ito nanamang mga lalaki ay nag-aasal hayop.Grabe!ang sakit sa tenga ng ingay.Itong si Romantico nanaman ay nag-aasar.Hindi na siya nahiya sa pangit niyang mukha.Buti nalang at hindi ako nagpaapekto sa emosyon na nararamdaman ko.Kasi muntik nanaman akong umiyak dahil sa mga pang-aasar niya sa akin.Salamat talaga sa mga mabubuti kong mga kaibigan at ipinagtatanggol nila ako.


Pebrero 17,2013
       Grabe!ang bilis ng araw at akalain ko yun na Linggo na pala.Si papa naman oh!wagas kung makapang-asar.Akala naman kasi niya gwapo siya,Hmm!hindi kasi niya nakikita sarili nya.Nakakasabi nanaman ang araw na ito kasi sabi ni tita na darating ngayong araw sila nanay,tatay at ang makukulit kung mga pinsan.Halos hindi na nga ako nakagawa ng mga takdang-aralin sa paghihintay ko sa kanila eh!Maya-maya,Pumunta ang kapatid ko sa amin at sinabing hindi pala sila matutuloy.Hay!pinaasa nanaman nila ako.Naiinis tuloy ako!Dahil sa kanila hindi tuloy ako nakagawa ng takdang-aralin.

Miyerkules, Pebrero 20, 2013


Pebrero 16,2013
     Sabado nanaman!Aalis nga pala si Mama dahil pupunta siya sa kapatid niya.Kaya ako nanaman pala ang mag-aalaga sa mga makukulit kung kapatid.Kaaalis pa lamang ni mama ay nagpasaway kaagad sila.Masyado nga akong nadedepres sa kanila eh. Grabe!Pakiramdam ko nga ay sasabog yung dibdib jo sa sobrang galit ko ng mahulog yung cellphone ko.Halos paluhurin ko nga sila sa asin eh.Kung wala siguro akong puso ay ginawa ko na yon.Ayoko talaga ng araw na ‘to.Pakiramdam ko eh pumapangit ako eh.

Pebrero 15,2013
            Di ko pa rin makalimutan yung nangyari sa amin kahapon.Ang saya kasi eh!Tanghali pa rin ako nagising.Nakaka inip pala ng nasa bahay lang.Nakakalungkot nga eh kasi matagal pa mag Lunes Hay!Maglalaba na nga lang ako para may magawa.Grabe! nakakapagod maglaba lalo na pag puti.Pagatapos maglaba ay naglampaso naghugas ng pinggan at nagluto ako.Sa dami ng trabaho ko ay nakalimutan ko gawin yung aking takdang-aralin.Masasabi ko lang,nakakapagod ang araw ko.

Pebrero 14,2013
     Ito na talaga ang pinaka hihintay ko, ang Valentine’s Day.Grabe!ang aga kung nagising dahil excited ako sa lakad namin.Magdadate kasi kami ng mga kaibigan ko sa blue mountain kaya masaya ako.Alas dyes pa nga lang ay naligo na ako.Pagsapit ng alas-onse ay nagtungo na ako kila Mercy.Inayos pa nga niya ang buhok ko eh.Bumili na rin kami ng makakain at inumin.Ang tagal nga ni Melanie eh,pero dumating naman siya kaagad.Sa Blue Mountain ay sinalubong kami kaagad ng isang malakas na hangin na halos tangayin na kami.Maya-maya ay nakakita kami ng bisekleta.Nahihiya pa nga kami manghiram eh pero kinapalan na naming yung mukha naming.Buti nga at nagoahiram eh.Hay! ang saya talaga ng araw na ‘to.Sana ay meron pang pangalawang pagkakataon. 

Pebrero 13, 2013
        Ngayon na ang huling pasok naming.Dahil may pagsusulit ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon bukas at sa biyernes.Naisip naming gawin ngayon ang Valentine’s Day.Ang aga aga nga at mukhang aburido nanaman si maam.Nagpagawa kasi siya ng activity eh.Maya-maya ay may mga nagperform sa unahan upang maghingi ng tawad sa kanilang kaibigan na si Mary joy Bartolay.Ilang saglit pa ay ibinigay na namin ang aming regalo kay maam.Hindi nga daw niya akalain na bibigyan naming siya ng regalo.Abot tenga nga yung ngiti ni maam eh.Maya-maya pa y may mga nagconfess ng kanilang damdamin.Sila ay si Crisol,Capon at Casamayor.Nanghingi nga sila ng tawad sa lahat ng kaingayan at kaguluhan na kanilang ginagawa.Kahit bukas pa ang Valentine’s ay ibinigay ko na ang mga ginawa kung kard na merong mga tsokolate sa aking mga kaibigan.Ang saya talaga ng araw na ‘to.Palagay ko,ito na yata ang naging masaya  sa aking buong linggo.
    

Biyernes, Pebrero 15, 2013


Pebrero 12, 2013
            Ang lamig!ramdam na ramdam ko talaga ang lamig na papalapit na papalapit na araw nga mga puso.Pagdating ko sa paaralan ay nag-iisip na ang mga kakalakihan ng reglo para sa kanilang mga minamahal.Itong mga kaibigan ko naman ay pinipilit akong regaluhan sila.Sabi ko naman ay hindi ko maipapangako pero kunwari lang iyon kasi balak ko naman talagang regaluhan sila eh.Pagdating ko sa bahay ay bumuli na ako nga mga makukulay na papel pero mas marami ang pula.Gumagawa ako ng kard para sa kanila.Bumili rin ako ng mga tsokolate para idikit dun sa kard na gagawin ko.Simple lang naman yung ginawa ko kasi nakakapagod gumawa ng kard.Maghahating gabi na nga akong natapos eh.Iniisip ko kung matatanggap ba mila yung ginawa ko.Ah Ewan! Basta bahala na bukas.

Pebrero 11, 2013
        Araw nanaman  ng pasok at tila masaya ang aking umaga.Medyo umuulan nga lang.Kahit bumagyo pa ay papasok pa rina ako dahil gusto ko talaga na makasama ang aking mga kaibigan.Malapit na nga kasi ang araw ng mga puso at sabik akong marinig ang kanilang mga kwento.Maaga akong nakarating sa aming silid-aralan at nakita ko si Melanie.Pinag-uusapan nga naming yung buhay pag-ibig nya kasama ang kanyang mga pamilya.Naiinis nga yun eh,kasi hindi tuloy yung Js Prom.Sayang daw kasi hindi niya mararanasan ang ganong klaseng Prom sa buong buhay nya.Sumasang-ayon nga ako sa kanya eh.Oras ng T.L.E at walang humpay ang daldalan naming ni Melanie.Nakakauwa nga yun ehHay!isang masayang araw nanaman ang nayari sa buhay k.

Pebrero 10, 2013
      Linggon ngayong at bukas ay Lunes na.Sabik na talaga ako na Makita muli yung mga makukulit kong mga kaibigan at mga kaklase.Nakakaasar talaga ‘tong si papa.Ang aga-aga ay nang-aasar nanaman.Akala mo kung sinong kagwapuhan hindi naman.Nagalit nga si mama kasi patuloy na inaasar ni papa si mama eh.Maya maya ang dumating yung kapatid ko at sinabing dadating daw sila nnay,tatay, at mga pinsan naming.Pupunta sila ditto dahil hindi sila nakapunta noong kakarawan ni mama dahil may paso.Ang saya ko nga eh kasi alam kong hindi ako maiinip kaoag kasama ko sila.Hapon na at hindi pa rin sila dumadating.Naiinis na nga ako kasi sobrang tagal nila.Dumating nanaman yung kapatid ko at sabi ay hindi na yata sila makakarating dahil nasiraan sila.Nakakainis mang sabihin pero ok lang kasi alam ko naman na hindi ring nila ginusto ang nangyari.

Pebrero 9, 2013
                     Sabado nanaman at syempre ay wala nanamang pasok.Sayang nanaman ang araw na hindi makakasama yung mga makukulit kung mga kaibigan at mga kaklase.Kakatamad talaga na manatili lang sa bahay lalo na pag wala kang kasama tapos magbabantay pa ng tindahan.Wala naman akong magawa kahit manood ng telebisyon kasi wala naming anime na pinapalabas eh.Buti nalang at merong mga laruan ng mga kapatid ko.Ngayon tuloy nagging bata ulit ako.Ang saya pa rin talaga kapag bata.Naalala ko tuloy yung mga ginanawa ko noong bata ako.Pagdating ni mama kasama ng mga pinsan ko ay pinagtawanan ako kasi daw dahil sa naglalaro ako ng pambata eh dalaga na ako.Nakakainis nga eh.Pero kahit na atleast nakalaro ako.

Linggo, Pebrero 10, 2013


 Pebrero 8.2013
      Natutuwa ako ngayon dahil kaatawan ng aking pinakakamahal na mama.Pinagmamalaki kong inihahayag na 37 na taon na ang aking mama.Hiling ko lang na magkaroon siya ng malakas na pangangatawan at matalinong isipan.Si mama kasi matalino iyon kahit wala siyang pinag-aralan lalo na kung pera ang pag-uusapan.Lumaki lang si mama sa isang mahirap na pamilya na minsan at isa o dalawang beses lamang kumain sa isang araw.Sobrang hirap talaga ng kanilang buhay lalo na ng mamatay ang kanilang ina.Sa tuwing kinikwento nga niya yung mga bagay na nangyari sa kanyang buhay ay ginagawa kong inspirasyon upang maging matatag at masipag sa aking pag-aaral.Sana sa pagdating ng panahon ay mabigyan ko ng magandang buhay ang aking mga magulang.


Pebrero 7,2013
             Kaarawan nga pala ngayon ng kaaway kong si Pastoral.Sana ay mabasa niya yung Kard na ginawa ko kung saan ay binuhos ko na halos lahat ng hinanakit ko na galling sa mga panlalait niya.Sana nga ay magtanda na siya sa mga pinagagagawa niya sa mga taong akala niya ay parati nalamang nakakatawa.Oras na ng Mapeh at alam ko na Masaya naman ito dahil pangkatan.Buti nalang at palagi kaming pangalawa sa aming pangkatan at nakakuha nanaman kami ng 90%.Sa pangkatan lang naman talaga ako nagiging Masaya dahil ditto ay Malaya akong nakikipag-usap sa aking mga ka-miyembro di tulad pag isahan,ang daming kakumpetensya at minsan ay nauuwi pa sa awayan.Sa paksa naming sa Filipina na Bangkang Papel ay may paghahalintulad sa kwento ng aking kaibigan.Nakakalungkot nga eh dahil wala na siya sa mundong ito.Sana ay maligaya siya doon sa itaas at patuloy pa rina kong ginagabayan b� g i a �� (�� anuong kataga ay nasasaktan ako.Tama na nga ang drama.Pero sana matupad nga iyon.

Pebrero 6,2013
           Ngayong umaga,halos wala pang tao nang dumating ako sa aming silid-  aralan.Nakakainip nga eh,Wala akong ganang makipag-usap kasi alam ko na sasabihin nanaman nila na ang daldal ko talaga.Minsan nga naisip ko yung palagi nilang sinasabi sa akin na sobrang daldal ko,malakas ang trip,di masayang kasama at higit sa lahat ay walang kwenta.Kahit ganon yung mga sinasabi nila saaki akala nila ay natutuwa ako sa mga lagi nilang sinasabi sa akin.Di lang nila alam na minsan ay nasa isang sulok lag ako ng aming kwarto at nag-iisip kong ano ang aking magiging reaksyong sa tuwing sinasabi nila iyon sa akin.Alam ko na kakaunti lamang yung mga tao na nakakaintindi at umiintindi sa akin pero sana maisip nila na sa bawat sambit nila ng mga ganuong kataga ay nasasaktan ako.Tama na nga ang drama.Pero sana matupad nga iyon.

Pebrero,5 2013
    Nakakapanibago ngayon,Kasi tuwing pumapasok ako sa silid aralan ay palagi akong nakikipagdaldalan samantalang ngayon ay hindi.Ewan ko ba kung may bago sa araw na ito o sadyang dinadamdam ko lang na wala talaga kaming JS Prom.Sayang,kasi elementary palang ako ay ito na yung hinihintay ko sa buong buhay ko eh.Nakakaingit nga yung mga estudyante na pinag-uusapan yung isusuot nila sa araw na iyon.Panira naman itong si ma’am oh,magdadasal kaaga eh kadarating ko lang.Oras nanaman ng T.L.E at walang pinagbago,Kadaldalan ko palagi sa Oras na ito Si Melanie,Hay!ang Bihay naman oh! Bakit kasi wala pang JS Prom?Nalulungkot tuloy ako.

Martes, Pebrero 5, 2013


Pebrero 4,2013
    Linggo ngayon,Araw nanaman para magpasalamat sa ating dyos na nagbigay ng buhay at pag-asa .Mag-isa lang ako ngayon na nagsimba kasi wala si mama dahil may mahalaga siyang inasikaso.Pagdating sa simbahan ay dyos ko po!Parang plaza lang sa dami ng tao.May mga kumakain,nagdadaldalan, at higit sa lahat ay may mga hawak kamay talaga.Pakiramdam ko lalo lang dumarami yung kasalanan ko kaya umuwi nalang ako.Pagdating ko sa bahay,Nagkakagulo na ang lahat.Ewan ko ba kung bakit?Nakakainos ng walang ginagawa ka nanood nalang ako ng t.v.Sakto sa pagbukas ko ay bumungad agad yung paborito kung palabas sa channel 2 ang Luv u.Nakakatawa talaga yung tambalan si Whitney at Rocky.Nakakainggit nga eh,buti pa sa palabas na iyon ay may JS Prom samantalang kami wala.Sana naman ay mamulat na ang mga mata n gaming principal at payagan bna kami na magkaroon ng JS Prom.

Lunes, Pebrero 4, 2013



Pebrero 3,2013
        Ngayon tanghali na ako nagising,Kasi naman nakipaglaro pa itong mga kapatid ko sa akin kasama sila mama at papa.Ang saya nga eh,Si mama yung kunwari multo at kinikiliti naman sya ni papa.Tawa nga kami ng tawa eh.Sa pagmulat ng mga mata ko,si papa agad ang una kong nakita.Inasar nga nya ako kaagad eh,kakainis talaga.Tanghalian na at tila wala pa yatang balak magluto ang tatay ko.Siya kasi ang nagluluto kapag araw ng Linggo at siya rin ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay.Wow!kahit sardinas lang yung ulam namain ay nakapasarap talaga.Sabay-sabay kasi kami kumain eh.Kahit pa walang ulam kung sama-sama kumain ay tiyak na mabubusog ang buong pamilya.

Pebrero 2,2013
       Wala nanamang pasok,Sabado kasi eh!Eto nanaman pala ang tema,dahil Sabado,Araw nga naman ito ng paglalaba ko.Ang aga-aga ay daldal ng daldal ang tatay ko at nagpaparinig na sabado ngayon.Nakakainis nga eh.Buti nalang at may pinuntahan si mama kaya nakapanood ako ng T.V.Patay,Magtatanghali na at hindi pa ako nakakapag-umpisa,Dali-dali kong inipon yung mga labahan at naglaba.Partida ang ginawa ko dahil nagkuskos lang ako.Ang hirap nga maglaba ng pantaloon eh,Kasi naman ang dudumi ng mga pantaloon lalo na sa tatay ko.Ewan ko ba kung bakit parati nalang madumi yung kanyang pantaloon eh!Pagkatapos maglaba ay diretso sa kusina upang magluto at maghugas ng pinggan.Naiinis pa ako dito sa mga kapatid ko,wala na nga silang ginagawa at nag-aaway pa.Salamat at wala pa rin si mama sa bahay.Nakakapagod talaga!Biruin mo nagawa ko yun.Pero ayos lang,Ehersisyo din naman ‘to eh.

Linggo, Pebrero 3, 2013


Pebrero 1,2013
       Eto nanaman pala at papalapit nanaman ang araw ng mga puso.Umagang-umaga nga ay nag-uusap usap nanaman ang mga kababaihan sa kapaligiran.Biyernes nga pala ngayong, Patay! Lagot nanaman ako nito kay Bb.Tayamora dahil hindi pa ako nagugupit ng kuko.Hindi nga ako nagkamali sa akala ko dahil nakalista nanaman ako sa isa sa mga mahahba ang kuko.Ngayon ay medyo masakit pa rin ang ngipin ko at tinitiis ko pa ang sakit.Uwian nanaman at tila sabik sa uwian itong mga kaklase ko.Doon nga pala ako nagbihis sa bahay nila Rabino at syempre nakikain din ako doon.Ang sarap nga ng ulam Eh,Yung paborito ko pang ginataang langka ang kanilangt ulam.Ayan at busog ang tyan ko.ang tagal nanaman nitong mga kasamahan ko.Magbibihis lang ay inabot na siguro ng ilang taon.Gusto nila sa Blue Mountain magpraktis kaya naman ay pinagbigyan ko ang mga ito.Katulad pa rin ng dati ay halos wala pa rin kaming nagagawa, puro saya lang.Pero iba nga lang ito kasi sa wakas ay kahit papano ay nakagawa kami ng isang scene.Sabi nila ay napapagod na sila kaya itutuloy nanaman naming ito bukas.Syempre uwian nanaman.Nakakapagod talaga ang araw na ito

Enero 31,2013
   Ang ingay talaga! Umagang –umaga na salubong ng mga kaklse ko.ayan tuloy,galit nanaman si Bb.Eclar dahil sa amin at sinumpong nanaman.Hay! ewan ko ba kung bakit sa araw-araw na ibinigay sa amin ng dyos ay ganito pa rin ang nangyayari.Pero kahit nag alit si ma’am, hindi ko iyon iniintindi dahil ang mas iniintindi ko ngayon ay ang sakit nitong ngipin ko.Halos magbebreaktime at at tila wala pa akong ganang kumain dahil sa sobrang sakit nitong ngipin ko.Nakakahiya nga nung oras na ngFilipino dahil sa sobrang sakit ay hindi ko na napigilan umiyak.Nagkagulo tuloy ang lahat sa akin at itinatanong kung ano ang nangyari sa akin.Nakita pa nga ako ni ma’am Mixto at itinanong din kung ano ang nangyari sa akin.Sinabi ko nalang tuloy na masyadong masakit ang ngipin ko.Ayan tuloy,Dahil sa sakit kong ito ay wala kaming praktis sa Filipino.Nakakainis at nakakahiya tuloy ang araw na ito.
      

Huwebes, Enero 31, 2013


Enero 30, 2013
      Ito ang araw na aktwal na kami na magpaparaktis sa Filipino.Maaga pa lamang ay nghanda na ako ng damt na isusuot ko para hindi na ako babalik sa bahay.Sakto lang ako ng dumating sa paparalan.Umagang-umaga ay tila yata glit si Bb.Eclar.Imbis na ipaliwanag niya sa amin ng ipapaliwanag ang mga aralin ay pinasagutan nalang niya ito sa amin.Ito naman kasing mga kaklase ko ay parang mga monggoloid, ang hirap umintindi lalo na pag sinabihan na tumahimik.Ganun din naman sa Mapeh eh,galit din sa amin si ma’am Nacolangga kasi nga masyado kaming maingay at ang lahat ay hindi pa tapos ang activity.Mag-uuwian na at naghihintay kami ng mga napkatagal sa aming mga kagrupo na ang hinhin kung kumilos.Paano ba naman kasi ang sinabi ko na magdala ng damit ay para yatang kinlimutan.Eto pa,kakaunti na nga lang ang mga lalaki s aming grupo ay halos wala pang pumunta.Si Saliba at Sumala lamang ang nakapunta.Magsisimula na ang praktis at tila ang iba ay nagtsitsismisan pa.Salita ako ng salita sa gagawin ay hindi naman nakikinig.Sila pa mismo nagalit sa akin kung bakit wala dad aw kaming nagagawa!Nakakainis!Nagpagod—pagod lang pala kami sa pagpunta.Nakakainis talaga ang araw na ito.Subukan lang nilang magreklamo at makakatikim sila ng salita na makakasakit talaga sa kamnila ng lubusan.

Martes, Enero 29, 2013


Enero 29, 2013
     Isang himala na nagising ako ng maaga kahit walang “alarm clock”.Minsan kasi ay tanghali na ako nagigising kapag wala yun.Madilim pa at nagbukas na ako ng aming tindahan.Pag ako kasi ang nauunag magising,ako ang nagbubukas ng aming tindahan.Pagdating ko sa paaralan y hindi muna ako pumasok kasi magpapa-xerox pa ako ng akdang”kinagisnag balon”.Nakakainis nga yung maning doon eh.Biruin mo ba naman,mas inuuna pa yung mga huli kesa sa mga nauna.Hlos 30 minutos akong naghintay.Sa sobrang inis ko ay umalis nalang ako.Doon sa aming silid-aralan ako nagwala.Sinabi ko sa aking mga kaibigan yung nangyari sakin.Sbi nga nila ay sasmahn nila ko para magpa-xerox eh pero tumanggi ako.ayoko na kasing makapagsalita ng masama sa manong.Uwian na at meron kaming praktis sa aming proyekto sa fiipino.Hapon na at wala pa kaming nagawa,kaya umuwi nalang ako.Pagod na pagod nga ko eh.Ang hirap din palang gumawa ng isang “music video”.Masyado kasing detalyado eh.Bukas nalang naming ipagpapatuloy ang aming praktis.Kaya naman magpapahinga nalang ako ng maaga upang makapag-ipon muli ng lakas para bukas.

Enero 28, 2013
       Pasukan nanaman.Medyo tinatamad pa akong bumangon sa higaan.Napuyat kasi ako sa kapapanood ng mga palabas.Pagdating naman sa paaralan ay tinatamad pa rin ako, hay! Buhay nga naman oh!Ingay doon,ingay ditto ang tema ng aking mga kaklase na wala nang ibang ginawa kundi mag-ingay.Ang sakit na nga ng tenga ko sa sobrang ingay eh.Nang oras naman ng Filipino eh hindi na sila nakapalag pa kay Gng. Mixto.Halos nagsi-tahimikan nga ang lahat eh.Kahit si yula ay tameme.Ngayon nga pala naming ilalahad ang aming ma kasaguta sa aming pangktan na takdang-aralin.Nakkinis nga yung iba naming mga kagrupo eh,kasi plagi nalang silang walang ibang sagot lalo na yung mga lalaki maliban kay Santos.Palagi na lamang mga babae ang gumagawa ng paraan.Pero kahit papaano naman ay nakakatulong sila sa aming pangkatan yun nga lang kasi ay mga tamad sila.Sana nga ay magbago na yung mga llaki at hindi na sila maging tamad.

Lunes, Enero 28, 2013


Enero 27,2013
    Nakakainis!Tanghali na ako nagising.Hindi na tuloy ako nakapagsimba.Napuyat kasi ako kagabi eh.Eto at nagguguhit ng puno baka sakaling may magandang magyari sa akin.At yun nga,May nabasa akong isang komiks.Medyo maganda at nakakatawa.Para nga akong baliw eh.Maya-maya naisip ko na parang may nakakalimutan ako.Kaarawan nga pala ngayong ni Palcotelo.Buti nalang at meron akong load at nabati ko ang aking kaibigan.Kahit ganon lang yung ay mabait yun.Lahat naman ng mga kaibigan ko ay mababait eh.Hay!kahit papaano ay may maganda namang nangyari sakin sa araw na ito.

Eero 26, 2013
    Hay! Wala ng palang pasok ngayon.Kaya pala medyo inaantok pa ako.Mag-aalasais na nga ako nang magising eh.Pagsapit ng alas-dyies ay nagsimula na akong maglaba nakakapagod!Pero Masaya kasi kasama ko naman si mama maglaba eh.Habang naglalaba nga ay nagkukwentuhan kami ng tungkol sa mga nagging karanasan ni mama.Ang hirap nga daw ng mga pinagdaanan nya eh kaya pinagsabihan niya ako na mag-aral ng mabuti.Ngayon ko nga lang naisip na mahal din pala ako ni mama.Sa palagay ko ito na ang pinakamasaya at pinaka espesyal na araw para sa akin.


Enero 25, 2012
   Nakakahilo naman! Umagang-umaga ay naghahanap ako ng isusuot ngayong Biyernes.P.E. kasi naming sa asignaturang Mapeh.Nakakinis kasi,di ko naasikaso kahapon.Masyado kasi akong maraming ginagawa.At sa wakas namn ay nakita ko ein yung yuniforme ko sa asignaturang Mapeh.Muntik pa akong mahli sa klase.Magsisimula na ang pagdarasal at ako ang nanguna sa pagdarasal.Para nga akong guro kung makapag-utos eh.Di nga nakapalag saking yung mga lalaki sabi ng mga katabi ko.Ngyong oras na ng asignaturng Mapeh ay marami kaming ginawant pagsusukat tulad na lamang n gaming “sit-and-reach”,”tunk lift “at kung anu-ano pa.Sa oras naman ng Edukasyong Pagpapahalaga ay gumawa kami ng komiks.Nakakatuwa nga yung mga ginuguhit ng mga katabi ko eh.Siguro,Eto yung araw na walang nagging problema kasi lahat Masaya eh.

Sabado, Enero 26, 2013


Enero 24,2013
         Nakakaantok at ang lamig talaga pag umaga.medyo tinttamad nga akong pumasok pero pinilit ko na lang kasi kailangan.tuwing oras ng asignaturang “Chemistry” palagi nalang ganito.Ingay ng mga kaklase ko doon,dito kaya palagi nalang kaming napapagalitan ni Bb.Eclar.Hay!Wala pa rin talagang pagbabago ang III-3.Ngayong oras ng English,inagy nanaman.May nag-oobserve pala kay ma’am Tesoro pero ang ingay naming, nakakahiya tuloy.Nagpapangkatan tapos ang gulo.Ang daming naghihiyawan,nagpapalakpakan at nagtatawanan.Alam kong bukas ay lagot kami nito kay ma’am.

Huwebes, Enero 24, 2013


Enero 23, 2013
      Nakakainis oh! Umagang-umaga ay nang-iinis ang mga walang magawa akong mga kamag-aral.Ewan ko ba kung bakit ako ang gusto nilang pag-tripan.Nalilito na nga ako sa math eh! Tapos ganyan pa sila.Dinagdagan pa ako ng kaba dahil ngayon na ako magsasalita ng “Preamble”.Sobrang kabado talaga ako.Ang bilis nga ng pintig ng puso ko eh.Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko.Bago ako magsalita ay napabuntong-hining ako.Buti nalang at nasabi ko ito ng walang pagkakamali.Pagkatapos ko ngang magsalita ay nagging normal na ang lahat.Totoo ngang pagnalagpasan mo na ito ay mawawala na itong kaba na nararamdaman namin.

Enero 22,2013
       Ang lamig pa rin talaga ng simoy ng hangin tuwing umaga.Pagdating naman sa paaralan ay medyo umiinit na dahil sa mga sigawan at ingay ng mga estudyante.Naalala ko nga palang hanggang Biyernes nalang ang pagsasaulo ng “Preamble”sa A.P.Nang hiram nalang ako ng kopya sa may meron.Madali naman palang kabisaduhin ito pero nakakakaba nga lang.Lalo na kapag nasa harap mo yung nakikinig sayo.Inabutan ako ng pangamba kaya ipinagpabukas ko nalang ang pagsasalita.Wala nga pala kaming asignaturang “English” ngayon dahil wala si Gng.Tesoro.Nakakainis talaga! Kasi si Bb.Eclar ay nilipat ako sa ibang upuan.Di ko na tuloy makakatabi si Rabino.Isinaman pa ako sa mga madadaldal.Hay! wala na tuloy akong nagawa kundi sumunod.

Lunes, Enero 21, 2013




Enero 21, 2013
    Muni-muni ang tema ngayong papunta sa paaralan.Medyo malamig at madilim pa ay nakakagulat ng may narinig akong boses na tumatawag sa aking pangalan ,si Melanie.Si Melanie pala ang tumatawag sa aking pangalan ma biglang ikinutob ng aking dibdib.akala ko kasi ay kung sino,masilim pa akasi eh kaya bahagya akong natakot.Habang naglalakad kami papunta sa aming paaralan ay napag-usapan naming ang aming mga marka.Maligaya kong sinabi sa kanya ang mga medyong matataas kong marka.Siya naman ay medyo ding naiinis dahil sa kangyang mga bumabang marka.Sa aming silid-aralan naman ay nagkakagulo ang aking mga kamag-aral sa pagtingin ng mga tumaas at bumama nilang marka.Natutuwa akong malaman na maraming mga lalaki ang tumaas ang marka.Hay!sana ngayong darating na ikaapat na markahan ay mas lalo pang tumaas ang aming mga marka. 

Enero 20, 2013
    Linggo nga pala ngayon,kaya maaga akong nagising.Tamang-tama dahil magsisimba ako upang magpasalamat kay bathala ang mga biyaya na natatanggap ko sa kanya.Ito rin ang tamang pagkakataon para magpasalamat din sa matataas na marka na nakuha ko sa ikatlong markahan.Pag-uwi  ko sa bahay,sinipag akong maglinis kaya nilinis ko yung kwarto naming sa taas,yung banyo,naglaba din ako ng mga sapatos at kung anu-ano pa.Maya-maya naman nagdrawing ako ng maaaring mangyari sa aking hinaharap.nakakatawa nga yung drawing ko eh.Kasi parang bata lang ako magdrawing.ito naming kapatid kong sumunod sakin paepal lang.Biruin mo ba naman inisturbo nga ako sa pagdudrawing,ayan tuloy nasira Inis!Kaya ang buong maghapon ko ay sirang sira talaga.

Linggo, Enero 20, 2013


Enero 19, 2013
    
         Nakakakaba ang araw na                       ‘to.Kuhaan kasi ng kard naming tapos ngayon di nila makukuha yung kard na ginawa naming para sa kanila.Alas otso palang ng umaga ay    natapos na ang lahat ng Gawain naming.Nakapagluto,laba,paligo sa mga kapatid ko at paghuhugas ng pinggan.Pinawan ni mama ang mga kapatid ko sa tita ko.Sasama kasi ako dahil may pangkatan kami.Mag aalas nwebe emedya kami ni mama nakarating sa paaralan.Nakasabay din naming sila Gipit sa pag-akyat sa tuktok.Hiningal nga si mama sa sobrang taas eh.Sa gate,maga magulang lang yun pinapasok.Hinintay ko si mama sa gate.Masyado na kong kinakabahan!Ilang saglit lang ay lumabas si mama ng gate ang bilis!Tinanong ko siya kung bakit ang bilis.Yung mga walang problema daw sa marka ay hindi na masyadong kibausap.Nang buksan ko yung kard ko…Wow!himalang wala akong ni-isang palakol.Tuwang-tuwa ako.Kasi kahit papaano wala akong palakol at ligtas din ako sa sermon ni mama.


Enero 18. 2013
    
      Ang araw na ito ay sumalubong ng nakakainis na umaga.Kinuha kasi ni Ma’am Tayamora yung KArd na ibibigay ko sana sa mamako eh.Si Rabino kasi,Nilabas pa,Nakita tuloy ni Ma’am.Hay!nakakainis!Gustuhin ko man na hindi na gumawa eh saying naman kasi yung pinaghirapan ko para lang mabuo yun.Sinubukan kong kunin kay Ma’am yung kard pero di naman niya ibinigay.Tinulungan na rin ako ng mga kaibigan ko para makiusap na ibigay yung kard ko pero wa-epek pa rin eh.Kaya gumawa nalang ako ng bago.Ang hirap palang making habang gumagawa ng kard.Pinagalitan nga ako ni Sir Estipona eh.Akala nya kasi di ako nakiinig sa kanya.Muntik nanaman kunin yung kard.Buti nalang at hindi yun natuloy.Natapos din naman yung kard na ibibigay ko sa mama ko kaso di nalang ganun ka gandahan pero espesyal.Biruin mo ba naman muntik-muntikan makuha eh.Dami kong pinagdaanan para lang sa kard na ‘to.Teka kuhaan nga pala ng kard naming bukas.Na ko ! kinakabahan ako!sana naman wala akong mga palakol sa kard!

Biyernes, Enero 18, 2013


Enero 17, 2013
     
        Hay, Ang lamig lamig nanaman!Kaya nakakatamad nanaman pumasok.Hay!pero kailangan kasi magkukuhanan na ng kard.Di ko pa kasi alam kong kalian yung kuhaan ng kard eh.Tinalakay nanaman ulit namin yung “Ang Pamana”
At yung pinapahiwatig ng tulang ito.Pinagawa nga rin pala kami ng isang kadr para sa aming mga magulang.Nabigla ako ng sabihin ni Ma’am na ibibigay nila ito sa aming mga magulang sa kuhaan ng kard.Sinabi ko sa sarili ko na gagandahan ko ang kard na ibibigay ko sa mama ko dahil gusto ko na maging espesyal ito para sa kanya.  

Enero 16, 2013
       
        Araw ng Huwebes ngayon,Parang tinatamad akong pumasok sa eskwelaan.Eh kasi naman ang lamig-lamig.Di naman umuulan pero nakapaka lamig ng panahon.Pagdating ko naman sa eskwela,inumpisahan nanaman akong inisin nitong mga loko kong kaklase.Ewan ko ba kung bakit parati nalang nila akong inaasar.Oras na ng Filipino eh Trip talaga akong asarin nitong mga kaklase ko.Lalo na ‘tong si Santos,Kung makapang-asar eh kalan mo “pogi”nakakainis.Ang oras na ito ay tinalakay naming ang tungkol sa mga nanay.Tapos tinalakay din naman naming ang tulang “Ang Pamana”.Naalala ko tuloy si mama.Yung mga hirap na pinagdaanan niya para lang mabuhay kaming magkakapatid.Habang tinatalakay naming ito ay napag-isip-isip ko na napakahalaga talaga ng aking mga magulang.Akala ko nagagalit lang sila parati ng walang dahilan.Yun pala ay iniisip lang nila yung aming kapakanan.

Lunes, Enero 14, 2013


Enero 15,2013
      
            Napaka saya ngayon ng araw na ‘to.Bukod kasi sa mga kaibigan kong makukulit ay may chika sila tungkol sa mga “crush” nila.Ewan ko ba sa kanila kung bakit may mga crush na sila sa ganitong edad namin.Tinatanong ko nga kung anong pakiramdam nang may crush eh.Sabi naman nang isa kong kaibigan eh para ka daw estatwa kapag nagkaroon ka ng crush.Kasi pag nakikita mo daw siya eh di ka na makagalaw.Yung isa ko namang kaibigan eh parang lahat ng kulay na nakikita mo eh kulay pink.Nakakaloka na eh,Tapos paepal nanaman itong si Yulo kasi piling nya crush ko sya! Sus sa mukha naman nya.Di naman kasi yung mga tulad nya yung tipo ng gusto ko eh.Hay balik na nga sa aral aral.Ang saya ko!Ang taas ko kasi sa proyekto sa Filipino eh.Ang marka ko dun ay 91%.Tlaga ngang may bunga ang lahat ng mga pinaghirapan kaya naging ganito ang marka ko.

Enero 14,2013
     
     Nakakainis ang bungad sa masaya kong araw na ito.Nakakainis dahil mababa lang ang nakuha kong marka sa asignaturang Chemistry.Ang nakuha ko lamang marka ay 21,samantalang hanggang 60 ang aytems nito.Pero natutuwa naman ako dahil mataas naman ang nakuha kong marka sa T.L.E at Filipino.Nakakalungkot pa rin na may mababa akong nakuhang marka.Di ko naman masisisi yung sarili ko kasi sadyang mahirap yung test eh.Ang pinaka mataas pa na nakuha ay 32 lang.Mas lalo pa akong nalungkot nang sabihin ni Ma’am Cabrera na marami ang bumama ang marka sa A.P.Masyado ko kasing di pinansin ang A.P kaya siguro ako ang isa sa mga bababa ang marka.Titiyakin ko na hahabol at babawi ako ngayong ikaapat na markahan.Di man masama sa mga bibigyan ng parangal  eh makapasa ay ok na.

Enero 13,2013
      
            Napakalamig ngayong medaling-araw.Maaga kasi akong nagising para  magsimba.Kahit na tapos na ang simbang gabi ay marami pa ring nagsisimba.Tulad pa rin ng dati,ang iba mga “simbang tabi”pa rin.Tinatanong ko nga sa sarili ko kung bakit madalas nagdadate yung mga magkasintahan sa simbahan.Wala pa kasi akong karanasan tungkol dyan eh.Pagdating naman sa bahay,agad kong dinuksan yung telebisyon naming kasi may gusto akon panuorin.Ito naming si mama eh piñata yung telebisyon nakakainis! Ewan ko bas a kanya kung nakit niya piñata kaya gumuhit nalang ako ng larawan.Dahil nga sa nakakainis ang araw na ‘to ay naiguhit ko siya na may sungay.Nakakatawa talaga!Tawa nga ako ng tawa eh.Hindi ko akalain na maiguguhit ko iyon.Kahit na naging masama ang araw na ito para sa’kin ay may maganda naman itong kinahinatnan

Enero 12,2013
      
           Sabado at walang pasok!may halong saya at lungkot ang araw na ‘to.Masaya kasi wala ngang pasok. Walang babasahin, susulatin, o ano pa man.Mlungkot kasi di ko makakasama yung nga kaklase kong makukulit, madadaldal, at maiingay.Ang araw rin na ito ay d masyadong maganda dahil sa panahon.Maulan-ulan kasi, imbis na maglalaba ako eh naglinis nalang ako ng bahay.Nakakainis pa,naglilinis na nga ako eh sinesermonan pa ako ni mama.Ewan ko ba kung bakit palagi nalang akong sinesermonan ni mama.Pero ayus lang, sanay naman kasi ako eh. Alam ko naman nay un lang ang kaligayahan niya,ang sermonan ako araw-araw.Dinagdagan pa nitong mga kapatid kung makuklit, di tuloy ako nakapag konsentryet sa trabaho ko kaya napagalita nanaman ako. Hay buhay nga naman oh! Pero ayos lang dahil may magandang dulot naman yung paglilinis ko,nakapag-ehersisyo na ako, gumanda pa ang kapaligiran ko.

Sabado, Enero 12, 2013


Enero 11,2013
          
                    Hay sa wakas, ang sarap ng pakiramdam ko dahil nakapagreview ako sa mga asignaturang sasagutan namin sa araw na ito.Unang sinagutan namin ay ang Matematika, ang sakit talaga sa ulo ang mga tanong dito.Nakakainis pa itong mga katabi ko,eh kasi naman nangungopya pa grrr..Nakakalito pa yung mga tanong.Sunod naman na sinagutan namin ay Ingles.Npalipat pa ako tuloy ako ng upuan dahil kay Romantiko,ang ingay ingay kasi niya.Sunod naman ay Araling Panlipunan na ang haba ng mga tanong.Ang huli at pinaka medaling asignatura para sa akin ay ang T.L.E.  Lahat kasi ng mga tanong dito ay nasa aking kwaderno at pinag-aralan ko ng mabuti.Kaya naman hinihiling ko na maging maganda ang resulta ng aming markahan.

Enero 10, 2013

     Maaga ako ng dumating sa aming silid-aralan.Ngayon nga pala ang aming ikatlong markahangpagsusulit, nakakainis!Hindi kasi ako nakapagreview.Hay! anon a ang gagawin ko?Buti nalang at mdadali lang ang aming mga sinagutang asignatura pa sa araw na ito.Sinagutan namin ang Chemistry,Edukasyong Pagpapahalaga,Filipino at Mapeh.Medyo mahirap ang Chemistry kaya alam kong mababa ang makukuha ong marka.Pero mamaya,mag-aaral na ako sa mga susunod na sasagutang asignatura bukas

TALAARAWAN


Enero 9,2013

      Napakarami ng ginagawa ko sa araw na ito.Nagsusulat,nagrereview,nagsasaulo at kung anu-ano pa.Ngayon kasi ang pasahan ng mga proyekto kay naman abalang abala ako.yung iba kasi hindi ko natapos eh.Pero saying naman kung di pa rin ako magpapasa kasi baka biglang bumagsak nalang ako eh.Buti nalang wala ang guro naming sa matematika ,dagdag oras kasi rin yun at walang sagabal.Dinagdagan pa ng asignaturang Mapeh,pinasulat lang naman kasi kami kaya nakagawa nanaman ako.Sa wakas at pasahan na,nakapagpasa ako ng proyekto.Nakakapagod pala na pagsabayin ang lahat ng asignatura ng isang araw lang.Kaya natutunan ko na huwag nang hintayin ang araw ng pasahan at gawin nalang habang may oras pa.
Enero 8, 2013
          
             Ang araw na ito ay marami akong ginagawa.Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing magpapasahan na ng mga proyekto,kwaderno at iba pang dokumento ay palagi nalang akong nahuhuli.Napakaabala talaga ng araw na ito pati na rin sa aking kapwa mag-aaral na tamad.Ito pa,gawa ko na nga ang aking proyeko sa asignaturang Ingles hindi naman tinanggap n gaming guro na si Ginang Tesoro dahil nga sa hindi ako nakapagpasa sa oras.Hay!ang buhay naman oh!bakit ganito?Ayoko pa naming bumama uli ang aking mga marka!Iniisip ko tuloy na babagsak na ko!Pero sabi nga ng mama ko na wag akong mawalan ng pag-asa.Naalala ko tuloy yung sinabi ni Rabino sakin na sinayang ko yung pagkakataon na gumawa ako pero di ko naman ginawa?Kaya ako ngayon ay nagkukumahog na matapos ang lahat ng aking mga proyekto.Buti nalang at nandyan siya para tulungan ako.Naisip ko na masaya palang magkaroon ng kaibigan lalo pa’t tinutulungan ka nito.Siguro ay sinuswerte pa rin ako at bonigyan pa ako ng pagkakataon na makapagpasa ng proyekto sa asignaturang A.P at Ingles

Enero 7, 2013

      Ang araw na ito ay nagsimula sa isang maingay at bulabog na umaga kasama ang aking mga kaklase.Kahit na may guro na sa unahan ay                 walang humpay pa rin ang kanilang pag-iingay.Dahil wala ang aming guro sa Filipino na si Ginang Mixto,pansamantala munang pumalit si Ginoong Mixto upang magturo.Maya-maya may pagtatalong nagaganap sa may bandang unahan,si Ginoong Mixto at si Fillartos.Pinapagalitan pala ni Ginoong Mixto si Fillartos dahil siguro sa kanyang pang-aasar.Napapadalas na rin kasi ang pang-aasar nila sa ginoo.May sinabi pa nga an gaming guro sa kanya na “nakakawa kang patayin” at biglang nagtawanana ang aking mga kaklase.Naaawa naman ako kay Fillartos dahil sa sinabing iyon n gaming guro.Nagtataka nga ako kung bakit biglang nagkaganun si Ginoong  Mixto eh.Buti na nga lang at ilang sandal na lang ay mag-uuwian na.Sabik na talaga akong umuwi dahil ang araw na ito ay ang kaarawan ng aking tatay.Simple lang an gaming handa para sa kanya pero masayang masaya siya.Naisip ko tuloy yung mga panahon na ginugugol nya sa aming trabaho ay para lang sa kanya, yun pala ay hindi dahil ang lahat ng iyon ay para rin sa amin.